

Brgy. Sta. Monica, San Pablo City, Laguna
Tel. No. (049) 503-4033
E-mail: www.stamonicaes1924@gmail.com">www.stamonicaes1924@gmail.com
#WeLearnAsOne
Maikling Kasaysayan
Maraming nagdaaang taon, ang Brgy. Sta. Monica ay larawan ng agrikulturang kapaligiran. Ang liwanag ay nagmumula sa buwan at mga bituin. Sa mga kabahayan ay ginagamit ang lampara at kandila. Ang tubig ay nagmumula sa Balon ng Talaga.
Naitayo ang Sta. Monica Elementary School (mother school) noong 1900. Sa paglipas ng panahon, patuloy na dumami ang mga tao. Nagkaroon din ng komunidad sa may riles na kilala ngayon bilang Sitio Bagong Lipunan kung saan naipatayo ang pangalawang paaralan.
Sa patuloy na pag-unlad ng lugar, naisaayos ang kalsada, serbisyo ng kuryente, tubig, at telepono. Naipagawa at naipatayo rin ang kanal, barangay hall, health center, at covered court.